Pamilya ni Kian Delos Santos, tumanggi sa panibagong autopsy

By Mariel Cruz August 24, 2017 - 09:57 AM

Tumanggi na ang pamilya ng binatilyong si Kian Delos Santos na isailalim muli sa autopsy ang katawan ng kanilang anak.

Nakatakda sanang magsagawa ng otopsiya kay Kian ang National Bureau of Investigation kagabi, pero hindi na ito pinahintulutan ng mga magulang ng binatilyo.

Ayon sa ina ni Kian na si Lorenza Delos Santos, naaawa na sila sa kanilang anak na dalawang beses nang sinuri.

Nasasaktan aniya siya tuwing makikita si Kian na matigas na pero tila patuloy pa rin itong sinasaktan.

Kung kaya umapela ang pamilya ng menor de edad na itigil na ang paggalaw sa katawan ng kanilang anak.

Una nang sinabi ni PNP Crime Laboratory medico-legal officer Dr. Jane Monzon na nagtamo si Kian ng dalawang tama ng bala sa ulo.

Wala aniyang nakitang sugat mula sa tama ng bala sa katawan ng binatilyo batay na rin sa resulta ng autopsy na isinagawa ni Dr. Jocelyn Cruz ng Northern Police District.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: autopsy, kian delos santos, metro news, Radyo Inquirer, autopsy, kian delos santos, metro news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.