Pagsusulit sa mga kumukuha ng lisensya, babaguhin dahil sa dumaraming aksidente sa kalsada
Plano ng Land Transportation Office (LTO) na i-update ang mga tanong sa written examination ng mga aplikante na kumukuha ng driver’s license.
Ito ay upang matiyak na mas kwalipikado ang mga driver sa lansangan at para mabawasan na rin ang mga aksidente.
Ayon kay Emerita Soliven, pinuno ng Traffic Safety Division ng LTO, ang exam ay magdedepnde sa classification of vehicle ng mga aplikante.
Sa proposed new licensing system, magkakaroon ng classification sa mga motorsiklo, pati na rin sa mga light at heavy vehicles.
Sinabi kasi ni Jose Regin Regidor ng National Center for Transportation Studies na karamihan sa mga aksidente sa kalsada ay dahil sa weak licensing system ng bansa.
Kailangan na umanong i-modernize ang sistema ng LTO kagaya ng Estados Unidos at Canada na computerized na ang sistema at randomly generated ang mga tanong.
Dagdag pa ni Soliven, sa halip na general questions ay magiging specific questions na ang laman ng written examination at nakadepende ito sa sasakyan na gagamitin ng mga driver.
Maliban dito plano rin daw ng LTO na magkaroon ng psychological exam sa mga driver.
Nabatid na mula 2006 hanggang 2014, ay aabot na sa 71, 415 ang casualties sa road accidents at 8,666 sa mga casualties na ito ay naitala noong 2014 lamang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.