Bayan sa Sultan Kudarat, niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.7 na lindol ang bayan ng Kalamansig sa Sultan Kudarat.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 43 kilometers South ng Kalamansig ala 1:43 ng madaling araw.

Tectonic ang origin ng lindol at may lalim lang na 1 kilometer.

Sa kabila ng mababaw na pagyanig, wala namang naitalang intensities bunsod ng nasabing lindol.

Samantala, Miyerkules ng gabi, tumama naman ang magnitude 3.5 na lindol sa Caramoan, Camarines Sur.

Kapwa hindi nagdulot ng pinsala ang dalawang lindol.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...