Concert sa The Netherlands, nakansela dahil sa banta ng terorismo
Kinansela ang konsyerto sa Rotterdam, The Netherlands dahil sa banta ng terorismo makaraang matuklasan ang isang van na may laman na mga gas bottles at iba pang gamit sa paggawa ng bomba.
Nakita ang van malapit sa concert hall kung saan gaganapin sana ang konsyerto ng American rock group na Allah-Las.
Agad rumesponde ang mga otoridad at inasistihan ang mga concert goers para payapang lisanin ang lugar.
Ang mga gas na nakita sa van ay maituturing umanong bomb-making equipment ayon sa Spanish police at kabilang sa natuklasan ang 100 tanks ng butane gas, mga pako at 500 litres ng acetone peroxide.
Ayon sa mga otoridad, itinuturing nilang seryosong banta ang pagkakatuklas sa van dahilan para kanselahin ang event.
Tiniyak naman ng organizers na ibabalik ang perang ibinayad ng mga manonood.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.