Huling namataan ng PAGASA ang LPA sa 670 kilometers Northeast ng Borongan, Eastern Samar.
Ayon sa PAGASA, posibleng maging ganap na bagyo ang nasabing LPA.
Papangalanang ‘Jolina’ ang nasabing LPA sa sandaling maging bagyo habang nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Samantala, umiiral pa rin ang Habagat sa western section ng Luzon.
Ngayong araw ay magiging maulap ang papawirin at makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Bicol Region, Eastern Visayas at sa mga lalawigan ng Ilocos Norte, Zambales, Bataan, Quezon at Palawan.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap naman na papawirin na mayroong isolated na light to heavy rains ang mararanasan sa Metro Manila.