6 patay sa pananalanta ng bagyong ‘Hato’ sa Hong Kong, Macau
Nag-iwan ng limang patay ang bagyong ‘Hato’ sa Macau samantalang isa naman ang nasawi sa Hong Kong matapos salantain ang naturang mga lugar ng malakas na hangin, ulan at baha kahapon.
Ayon sa ulat ng local media, sa Macau, isa sa mga biktima ang nabagsakan ng pader, samantalang isa pa ang nahulog mula sa ikaapat na palapag ng isang gusali.
Ang iba naman ay patuloy na iniimbestigahan ang dahilan ng pagkamatay bagama’t konektado pa rin ito sa nagdaang bagyo.
Samantala, maraming lugar sa gambling hub ang inabot ng matinding pagbaha na nagresulta sa pagkakalubog ng maraming sasakyan at mga establisimiyento.
Marami ring mga casino ang nawalan ng serbisyo ng kuryente sa kasagsagan ng bagyo.
Samantala, sa Hong Kong nasawi naman ang isang 83-anyos na lalake makaraang mahulog ito sa dagat.
Hanggang kagabi, marami pa ring lugar sa Macau at Hong Kong ang nakararanas ng kawalan ng serbisyo ng kuryente.
Matapos ang Hong Kong at Macau, sinagasaan naman ng bagyong ‘Hato’ ang mainland China.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.