Planong pagtatayo ng ‘Theme park’ sa Palawan, hindi na tuloy
Dahil sa kaliwa’t kanang pagbatikos mula sa mga environmentalists at iba’t ibang grupo, hindi na matutuloy ang pagbuo sa Nickelodeon theme park sa Palawan.
Sa isang pahayag, sinabi ng Viacom International Media Networks (VIMN) na nagkasundo sila ng Coral World Park upang hindi na ituloy ang IP licensing agreement para sa theme park.
Ang planong pagbuo sa theme park sa Palawan na tinatawag ng conservation groups na “the last frontier” dahil sa natatanging karagatan, at mayamang marine ecosystem nito ay nagdulot ng iba’t ibang kritisismo.
Isang online petition ang isinagawa laban sa pagpapatayo ng theme park at nakakuha ng mahigit 263,000 signatures.
Ayon sa naunang pahayag ng Viacom Enero ngayong taon, ang resort na kauna-unahan sana nilang itatayo sa South East Asia ay magbibigay ng economic boost sa rehiyon.
Gayunpaman, tinawag ng environmental groups kabilang ang Greenpeace na “isang tagumpay” ang desisyon ng Viacom na huwag ng ituloy ang pagtatayo ng resort.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.