Hindi kayang tiyakin ni Philippine National Police (PNP) Chief Director Gen. Ronald dela Rosa na si Kian delos Santos na ang magiging pinakahuling casualty sa war on drugs ng pamahalaan.
Ayon kay Dela Rosa, hindi naman siya Diyos para magkaroon ng kapangyarihan na titiyak na walang masasawi sa mga isasagawang operasyon ng mga pulis.
Ang tanging masisiguro niya lang aniya ay na mas pag-iigihin ng mga pulis ang kanilang trabaho upang maiwasan ang anumang kaso.
Aminado naman si Dela Rosa na ikimababa ng morale ng mga pulis ang mga pagbatikos na kanilang natatanggap dahil sa pagkakapatay kay Delos Santos sa kasagsagan ng isang operasyon.
Panawagan naman niya sa mga pulis, ipagpatuloy lang ang kampanya kontra iligal na droga, at patuloy na gawin ang kanilang trabaho para sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.