Sanggol, tinamaan ng Japanese encephalitis sa Laguna

 

Isang kaso ng Japanese encephalitis ang naitala sa Santa Rosa, Laguna.

Ayon sa medical certificate na inisyu ng Perpetual Help Medical Center sa Biñan, isang lalaking sanggol mula sa Purok 1, Barangay Sinalhan sa Santa Rosa ang tinamaan ng naturang sakit.

Humihingi ng tulong pinansyal ang mga kamag-anak ng bata, para sa pang-araw-araw na gamutan nito sa loob ng ospital.

Maging ang Sagip Buhay Organization ay nagsasagawa ng signature campaign bilang tulong sa biktima.

Ang Japanese encephalitis ay isang viral brain infection na nakukuha mula sa lamok.

Sa ngayon ay wala pang alam na lunas sa naturang sakit.

Read more...