Bank secrecy law gustong ibasura sa Senado

By Ruel Perez August 23, 2017 - 09:33 PM

Inquirer photo

Seryoso ang liderato ng Senado na i-repeal o ibasura na ang Bank Secrecy Law na umiiral sa bansa.

Ayon kay Senate Committee on Banks and Financial Institutions chairman Sen. Chiz Escudero, Pilipinas na lamang at Lebanon ang dalawang bansa na may umiiral na batas may kinalaman sa bank secrecy.

Malaking hadlang umano ang nasabing batas lalo na sa imbestigasyon ng sa mga opisyal ng pamahalaan na may kasong kinakaharap tulad ng katiwalian.

Suportado naman ni Sen. Franklin Drilon ang panukala bagaman iginiit nito na tutol siya sa pagbasura ng batas kung gagamitin ang pagrepeal nito sa political harassment.

Samantala, sa ginawang pagdinig ng komite, ipapatawag si Comelec Chairman Andres Bautista upang siya mismo ang magbigay linaw hinggil sa umano’y multi-million pero deposits ng kanilang pamilya sa mga deposito nito sa Luzon Development Bank.

TAGS: bank screcy law, bautista, comelec, Drilon, Senate, bank screcy law, bautista, comelec, Drilon, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.