Exclusive: Kian delos Santos negatibo sa powder burn ayon sa PNP Crime Lab

By Chona Yu August 23, 2017 - 03:46 PM

Radyo Inquirer exclusive

Negatibo sa gun powder nitrate test ang binatilyong si Kian Lloyd Delos Santos, ang 17-anyos na umano’y drug courier na nanlaban at napatay ng mga pulis sa ikinasang Oplan Galugad sa Caloocan City noong August 16.

Base sa dokumento na nakuha ng Radyo Inquirer na summary of result examinations, kinunan ng paraffin cast ang magkabilang kamay ni Delos Santos pero negatibo ito sa pagsusuri.

Nakasaad din sa dokumento na positibo sa gun powder residue examination ang isang Cal. 45 Colt pistol na may serial number na 56182 at minarkahan na “KLD” na nakuha sa crime scene.

Matatandaang una nang sinabi ng Caloocan City PNP na may nakasukbit umanong baril si Delos Santos.

Ayon kay PNP Crime Laboratory Chief Aurelio Trampe Jr., dalawa lamang ang tinamong tama ng bala ng biktima.

Taliwas ito sa pagsusuri ng mga forensic experts ng Public Attorney’s Office na may tatlong tama ng bala ng baril si Delos Santos kung saan ay dalawa sa ulo at isa sa katawan.

Sinabi naman ni Dr. Jane Monzon, Officer-in-Charge ng Medico Legal ng PNP Crime Lab. na hindi makikunsidera na binaril ng malapitan si delos Santos.

Isa sa kaliwang tenga at isa sa likod ng kaliwang tenga ang tinamo ng biktima.

Pareho aniyang tumagos ang bala sa kanang ilalim ng bumbunan ni Delos Santos.

Kung pagbabasehan aniya ang tumagos na bala, binaril si Delos Santos ng pababa.

Nasa 60 centimeter aniya ang layo ng dulo ng baril sa katawan ng biktima.

Ayon kay Monzon, wala namang nakitang palatandaan na binugbog o sinaktan si Delos Santos.

Dagdag ni Monzon na embalsamado na si Delos Santos bago nila nagawa ang autopsy.

 

TAGS: crime lab, kian delos santos, PAO, PNP, crime lab, kian delos santos, PAO, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.