Duktor na iniuugnay sa Maute terror group, nagsumite ng kontra-salaysay sa DOJ
Muling humarap sa pagdinig sa Department of Justice si Dr. Russel Langi Salic na iniuugnay sa Maute Terror Group na nahaharap sa kidnapping at murder charges.
Sa kaniyang isinumiteng kontra-salaysay iginiit ni Salic na wala siyang kinalaman sa pagdukot sa limang indibiduwal at complainants na sina Gabriel Tomatao Permitis, Alfredo Sarsalejo Cano-os, Esperanza Permitis, Adonis Antipisto Mendez, at Julito Permitis Janubas noong Abril 4, 2016.
Sa panayam sa abogado ni Salic, sinabi ni Atty. Dalonilang Parahiman, na pinabubulaanan ng kaniyang kliyente ang akusasyon ng mga complainant pati na ang pagpugot sa ulo ng dalawa pang biktima na sina Jaymart Capangpangan and Salvador Janubas noong April 10, 2016.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.