Pinakamataas na storm warning signal, itinaas sa Hong Kong dahil sa bagyong Hato
Nagtaas ng highest storm warning signal sa Hong Kong bunsod ng pagtama doon ng Severe Typhoon Hato na galing sa Pilipinas bilang bagyong Isang.
Dahil sa nasabing bagyo, isinara ang stock market at daan-daang flights ang nakansela.
Sa pinakahuling abiso ng weather observatory sa Hong Kong, itinaas ang Typhoon 10 signal.
Ito pa lang ang ikatlong pagkakataon na ginamit ang Typhoon 10 warning sa Hong Kong mula noong 1997.
Nagbabala din ang weather observatory sa publiko sa posibleng flash flood na maaring maganap at pagtaas ng sea levels dahil sa malakas na bugso ng hangin.
Inaasahang tatama sa kalupaan ng kanlurang bahagi ng Hong Kong ang nasabing bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.