Mga residente nag-panic matapos tumama ang magnitude 5.1 na lindol sa Albuera, Leyte

PHOTO CREDIT: Bernard Dosdos Denoy

Nagdulot ng tensyon sa mga residente ang pagtama ng magnitude 5.1 na lindol sa Albuera, Leyte umaga ng Miyerkules.

Sa Ormoc City, makikita sa inilabas na CCTV footage ang mga taong nagtatakbuhan palabas sa isang gusali habang lumilindol.

Ang mga pasyente naman sa Ormoc Doctors Hospital at OSPA-Farmers Medical Center ay inilabas sa kalsada ng mga hospital personnel sa takot na masugatan ang mga ito.

Pero makalipas ang isang oras ay agad din ibinalik ang mga pasyente sa loob ng mga ospital.

Nabagsak naman ang glass door ng isang bangko habang nagaganap ang pagyanig.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, inaasahang magdudulot ng aftershocks ang naturang lindol.

 

 

 

Read more...