Hearing sa Comelec budget, nakansela; Bautista, no-show
Ipinagpaliban ng House Committee on Appropriations ang pagdinig sa panukalang P16.15 billion budget ng Commission on Elections (Comelec).
Ito ay matapos hindi sumipot si Comelec Chairman Andres Bautista.
Sa isinagawang pagdinig kanina tinanong ni Albay Rep. Edcel Lagman kung bakit hindi dumalo si Bautista.
Paliwanag ni Executive Director Jose Tolentino nakikipagpulong si Bautista sa guidance counselor ng kaniyang anak at may internal letter ito sa Comelec kung saan inatasan na dumalo sina Commissioner Al Pareño at Arthur Lim.
Pero ayon sa komite kailangan mayroong official letter si Bautista sa kamara na nagpapahayag na may kakatawan sa kaniya.
Present naman sa pagdinig sina Comelec Commissioner Al Pareño, Arthur Lim, Rowena Guanzon, Sheriff Abas at Louie Tito Guia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.