Tweet ng US ambassador tungkol sa pagkasawi ni Kian Delos Santos, hindi minasama ng Palasyo

By Isa Avendaño-Umali August 23, 2017 - 11:27 AM

Hindi minasama ng Malakanyang ang naging tweet ni United States Ambassador to the Philippines Sung Kim kaugnay sa pagkamatay ng 17-anyos na si Kian delos Santos sa isang anti-drug operation sa Caloocan City.

Sa isang statement, sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na ang “expression of condolences” ng ambassador ay kaparehas ng sentimyento ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Iisa aniya ang tono nina Kim at Duterte na kapwa nais na imbestigahan ang krimen at papanagutin ang responsable sa pagkasawi ni delos Santos.

Ani Abella, nauna nang ini-utos ng presidente ang pagkakaroon ng “full and impartial investigation” ukol sa pagkapaslang kay delos Santos at parusahan ang mga pulis na mapapatunayang nagkasala.

Sa tweet ni Ambassador Kim kahapon, nagpaabot siya ng pakikiramay sa pamilya ni Delos Santos, at sinabing umaasa rin siya na ang ginagawang pagsisiyasat ay magbubunsod ng “full accountability.”

Sa ngayon, ang tweet ni Kim ay umani na ng aabot sa mahigit dalawang libong likes at mahigit limang daang retweets.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Ernesto Abella, kian delos santos, sung kim, Ernesto Abella, kian delos santos, sung kim

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.