Dahil maraming guro ang nalulubog sa utang, DepEd magsasagawa ng seminar para sa tamang paghawak ng pera

By Jan Escosio August 23, 2017 - 10:34 AM

Para maiwasan na malubog sa utang ang mga guro at kanilang mga kawani, magsasagawa ng seminar ang Department of Education (DepEd) tungkol sa tamang paghawak ng pera.

Ayon kay Education Sec. Leonor Briones, nadagdagan sa hirit nilang budget sa susunod na taon ang gagastusin para turuan ang kanilang mga kawani sa tamang paghawak ng pera.

Ito ayon kay briones ay upang mapakinabangan naman ng mga kawani ang bunga ng kanila pinagpapaguran at sakripisyo at hindi sila malubog sa utang.

Ibinahagi nito na mahigit sa 23,000 sa kanilang mga nagretirong kawani, kasama na ang mga guro, ang walang natanggap kahit isang sentimo dahil hindi pa sumapat ang kanilang separation pay para bayaran ang kanilang mga pagkakautang.

Ani Briones base sa kanilang datos umaabot sa halos P171 billion ang bayarin ng kanilang mga kawani sa DepEd accredited private lending institutions.

Sinabi pa ni Briones na binabago na nila ang kanilang automatic payroll deduction system at pinaaalahanan nila ang kanilang mga kawani sa pag-utang.

Noong nakaraang Mayo ay may mga kawani na sila na sumailalim sa practical wealth management seminar.

Bukod pa sa pagpapatupad ng financial literacy program para sa kanilang mga kawani, nakikipag-usap na rin ang kagawaran sa GSIS para sa ipinapanukala nilang financial assistance program para sa mga DepEd employees.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: deped, deped employees, Loan, teachers, deped, deped employees, Loan, teachers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.