Walang nasaktang Pinoy sa lindol sa Italy

By Mariel Cruz August 23, 2017 - 09:59 AM

Reuters Photo

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na walang Pinoy na nasaktan sa pagtama ng magnitude 4.0 na lindol sa Italy.

Ayon sa DFA, iniulat ng Philippine Embassy sa Rome na nag-iwan ng dalawa katao na nasawi at maraming nasugatan ang pagyanig.

Sinabi naman ni Philippine Ambassador to Rome Domingo Nolasco na patuloy na minomonitor ng embahada ang sitwayson habang nakikipag-ugnayan sa Philippine honorary consul sa Naples.

Handa din aniya ang konsulado na tumulong sa mga Filipino na maaapektuhan ng lindol.

Naitala ang pagyanig na may lalim na 10 kilometers sa northwest ng Ischia Island gabi ng Lunes.

Sinundan naman ng labing apat na mahihinang afteshocks ang nasabing lindol.

 

 

 

 

 

 

TAGS: earthquake, ischia island', italy, Radyo Inquirer, earthquake, ischia island', italy, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.