Biyahe ng Cebu Pacific mula Dubai pabalik ng Maynila, nakansela

Hindi natuloy ang biyahe ng isang eroplano ng Cebu Pacific mula sa Dubai patungo ng Maynila.

Alas 3:10 ng madaling araw, oras sa Pilipinas ang schedule sana ng alis ng flight 5J015 ng Cebu Pacific mula sa Dubai.

Pero dahil sa technical issue, hindi nakaalis ang nasabing eroplano.

Hindi naman tinukoy ng pamunuan ng Cebu Pacific ang partikular na dahilan ng kanselasyon ng biyahe.

Natukoy umano ang ‘technical issue’ bago pa man makaalis ang eroplano.

Sinagot naman ng Cebu Pacific ang pagkain at travel voucher ng mga apektadong pasahero gayundin ang kanilang hotel accommodation.

Ang mga pasahero naman na hindi napayagang mag-avail ng hotel accommodation dahil sa umiiral na visa polices ng UAE ay pinanatili muna sa airport lounge.

Itinakda na lang muli ng Cebu Pacific ang pag-alis ng nasabing eroplano alas 3:10 ng madaling araw bukas, August 24 oras sa Pilipinas o 11:10 ng gabi oras sa Dubai.

 

 

 

 

 

Read more...