Klase sa Ormoc City, sinuspinde matapos ang magnitude 5.1 na lindol

By Dona Dominguez-Cargullo August 23, 2017 - 08:31 AM

Matapos tumama ang magnitude 5.1 na lindol sa Albuera, Leyte, sinuspinde na ang klase sa Ormoc City.

Sa abiso ng Ormoc City Government sa kanilang Facebook page, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa lungsod sa pampubliko at pribadong paaralan.

Ayon sa Phivolcs, intensity 5 ang naitala sa Ormoc City dahil sa nasabing pagyanig.

Pero ayon sa lokal na pamahalaan ng Ormoc, intensity 6 ang naitala sa kanilang lugar.

Agad na nagpatawag ng emergency meeting ang lungsod upang matukoy kung nagdulot ba ng pinsala ang lindol.

Noong nakaraang buwan, labis ding naapektuhan ang Ormoc City sa malakas na lindol na tumama sa Jaro, Leyte.

 

 

 

TAGS: class suspension, earthquake, Ormoc City, class suspension, earthquake, Ormoc City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.