Albuera, Leyte niyanig ng magnitude 5.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang bayan ng Albuera sa lalawigan ng Leyte.

Naitala ang pagyanig sa 5 kilometers North ng Albuera alas 6:26 ng umaga ng Miyerkules, August 23.

Ayon sa Phivolcs, may lalim lang na 5 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Dahil sa nasabing lindol naitala ang Intensity 5 sa Ormoc City, Intensity 4 sa Pastrana, Leyte; Intensity 3 sa Tacloban City at Palo Leyte at Intensity 1 sa Cebu City.

Hindi naman inaasahan ng Phivolcs na magdudulot ng pinsala ang naganap na pagyanig pero nagpaalala ang Phivolcs sa mga aftershocks na maaring maganap.

Unang naitala ng Phivolcs sa magnitude 4.6 ang nasabing lindol pero itinaas ito sa 5.1 kalaunan.

 

 

 

 

 

Read more...