Ibinaba na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs ang alerto ng bulkang Mayon ngayong araw.
Ayon sa Phivolcs mula sa Alert level 2, nasa alert level 1 na ang alerto nito kasunod ng pagbaba ng aktibidad ng bulkan.
Sinabi ng Phivolcs na sa loob ng anim na buwan walang naitalang seismic activity ang Bulkang Mayon at nasa average na isang volcanic earthquake lamang ang kanilang naitatala bawat araw.
Kabilang din sa isinaalang-alang ng ahensya ang ground deformation, gas emission at ang visual observation sa summit nito.
Sa kabila nito, patuloy pa ring pinapayuhan ng Phivolcs ang publiko sa pagpasok sa six-kilometer permanent danger zone dahil sa pangamba ng pagguho ng bato, ash puff at biglaang phreatic eruption sa bahagi ng summit.
Pinapayuhan pa rin naman ang mga nakatira sa gilid ng ilog na maging malagbantay sa posibleng pag-agos ng lahar dulot ng malalakas na pag-ulan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.