Buong Luzon apektado pa rin ng Southwest Monsoon

By Dona Dominguez-Cargullo August 23, 2017 - 06:34 AM

Bagaman wala na sa bansa ang bagyong Isang, apektado pa rin ng Habagat ang buong Luzon.

 

Ayon sa PAGASA, ngayong araw, makararanas pa rin ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan, na mayroong malakas na hangin ang mga lalawigan ng Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Mindoro at Palawan.

 

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman ang iiral ngayong araw sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa.

 

Kahapon sinabi ng PAGASA na nakalabas na ng bansa ang bagyong Isang na mayroong international name na Hato.

 

Huling namataan ang bagyo sa \635 kilometers west ng Basco Batanes.

 

Lumakas pa ang bagyo at isa nang severe tropical storm taglay ang lakas ng hanging aabot sa 118 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 145 kilometers bawat oras.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Hato, isang\, Pagasa, PAR, Radyo Inquirer, southwest monsoon, weather, Hato, isang\, Pagasa, PAR, Radyo Inquirer, southwest monsoon, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.