Faeldon, dapat nang ‘kumanta’ tungkol sa mga katiwalian sa BOC – Alejano

By Kabie Aenlle August 23, 2017 - 03:25 AM

Ngayong tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang resignation, hinihikayat naman ni Rep. Gary Alejano si Nicanor Faeldon na ibunyag na ang kaniyang mga nalalaman tungkol sa katiwalian sa Bureau of Customs (BOC).

Nanawagan si Alejano sa dati niyang kasamahan na pangalanan na ang mga mambabatas na una nang inakusahan ni Faeldon na namba-braso o gumagamit ng impluwensya sa Customs.

Una nang binanggit ni Faeldon ang tungkol sa padrino sa kawanihan matapos ang kanilang bangayan ni House Speaker Pantaleon Alvarez.

Ayon kay Alejano, ito na ang tamang panahon para ibunyag ni Faeldon ang mga corrupt na nang-iimpluwensya sa Customs, maging senador o congressman man ang mga ito.

Dapat na aniyang magbunyag ng mga pangalan si Faeldon, lalo na ngayong napakatahimik aniya ng gobyerno sa kung sino ang nasa likod ng P6.4 bilyong halaga ng shabu na nakalusot sa BOC.

Samantala, una nang kinumpirma ni Alejano na bagaman dati nilang kasamahan si Faeldon sa Magdalo noong Oakwood mutiny, tinanggal siya sa grupo matapos itong tumakas mula sa pagkakakulong habang naharap naman sa kasong rebelyon ang iba pang mutineers.

Ang pagtakas aniya ni Faeldon ang naging sanhi ng hidwaan sa pagitan niya at ng Magdalo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.