Sa isang forum sa Maynila, sinabi ni Dominguez na hindi gaano magiging malaki ang epekto ng virus sa ekonomiya ngunit mas nakababahala ang magiging epekto nito sa pambansang ibon.
Anya, sakaling makarating na sa mga Philippine Eagle ang virus, maaari nitong patayin ang lahi nito.
Ayon sa Philippine Eagle Foundation, tinatayang nasa 800 Philippine Eagle na lang ang natitira sa kagubatan ngunit hindi matitiyak ang bilang na ito dahil nasa remote habitats ang mga ito.
Ayon naman sa ilang International conservation groups maaring may nasa 250 na lang ang natitira.
Si Secretary Carlos Dominguez ay dating chairman ng Philippine Eagle Foundation.
Sa ngayon, wala pang inaanunsyo ang Department of Agriculture na outbreak ng bird flu sa labas ng Luzon.