Gintong medalya ng Pilipinas sa 2017 SEA Games, umabot na sa 8

Hindi pa masyadong nagtatagal mula nang umabot sa pito ang gintong medalyang nasungkit ng mga Pilipinong manlalaro sa 2017 Southeast Asian Games, pero nadagdagan na ulit ng isa ang gold medal tally ng bansa.

Ito’y matapos makuha ni Eric Cray ang gintong medalya sa nilahukan niyang 400 meters hurdle event.

Halos dikit na dikit ang laban dahil natapos ni Cray ang race sa loob lang ng 50.03 seconds, habang ang kalaban niyang si Quach Cong Lich ng Vietnam ay natapos sa loob ng 50.05 seconds.

Bago si Cray, una nang nakasungkit ng medalya ang Pinay na si Agatha Chrystenzen Wong sa laban sa Wushu, sina Reylan Capellan at Kaitlin De Guzman naman sa Gymnastics, Marion Kim Mangrobang at Nikko Bryan Huelgas sa Triathlon, at si Mary Joy Tabal sa Women’s Marathon.

Read more...