Gilas Pilipinas, wagi kontra Myanmar sa SEA Games 2017

By Patrisse Villanueva August 23, 2017 - 12:01 AM

Photo by Tristan Tamayo/ INQUIRER.net

Muli na namang pinabilib ng Gilas Pilipinas ang mga fans matapos nitong talunin ang Myanmar sa nakaraang laban nito sa 2017 Southeast Asian Games.

Sa score na 129-34, tinambakan ng Gilas ang kampo ng Myanmar sa nakaraang laban nila na ginanap sa MABA Stadium sa Kuala Lumpur. Sa kasalukuyan mayroon nang record na 2-0 ang koponan sa Group A play.

Matapos ang mahigpit na tapatan laban sa Thailand noong Linggo na nagtapos sa score na 81-74, hindi nagpatinag ang Gilas sa Myanmar at nakapagtala ng 15 points sa umpisa ng laban.

Umarangkada si Raymar Jose sa pagtatala ng mga puntos para sa koponan na mayroong 22 points.

Kapansin-pansin din ang perfomance ni Kobe Paras na nakapagtala ng 20 points, 8 renounds, 78 steals, 4 blocks, at mga dunks.

Hindi rin nagpahuli ang iba pang miyembro ng Gilas na sila Troy Rosario na may 14 markers, Mike Tolomia na may 13 points at 6 assists, Carl Bryan Cruz na may 12 points at 4 rebounds, at Christian Standhardinger na may 12 points ar 11 boards.

Sa Miyurkules, August 23 ay makakaharap ng Gilas Pilipinas ang koponan ng 2017 Southeast Asian Games host na Malaysia.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.