Mga bangkay ng mga crew ng naaksidenteng U.S destroyer nakita na
Natagpuan na ang mga labi ng mga U.S Navy sailors naiulat na nawawala makaraang mabanggang isang tanker ang USS John S. McCain malapit sa boundary ng Malaysia at Singapore.
Sinabi ni U.S Pacific Fleet Commander Admiral Scott Swift na nakita ang mga bangkay sa compartment ng nasabing destroyer.
Sumama rin sa paghahanap ng mga nawawalang navy personnel ang mga miyembro ng Singapore at Malaysian Navy.
Naging matagal ang kanilang ginawang search operations dahil nanatiling maalon ang bahagong iyun ng Malacca Strait.
Magugunitang kaninang umaga ay nabangga ng 600-foot na Alnic MC na isang chemical tanker ang USS John S. McCain na nagresulta sa pagkasugat ng limang crew ng barko at pagkawala ng sampung iba pa.
Nahirapan rin ang mga tauhan ng nasabing destroyer na ma-estabilize ang nasabing sasakyang pandagat dahil sa laki ng butas na nilikha ng aksidente.
Naganap ang banggaan sa bahagi ng Malacca Strait na isang busy route para sa mga international navigation.
Ito na ang ikalawang pagkakataon na nasangkot sa aksidente ang mga barko ng U.S Pacific Fleet.
Noong nakaraang buwan ng Hunyo ay pitong U.S Navy personnel ang namatay makaraang mabangga ng isang container ship ang USS Fitzgerald sa karagatang sakop ng Japan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.