Pilipinas may 7 gold medals na sa SEA Games

By Patrisse Villanueva August 22, 2017 - 08:47 PM

Inquirer photo

Umakyat na sa pito ang bilang ng gintong medalya ng Pilipinas sa pagpapatuloy ng 2017 Southeast Asian Games makaraang manalo ang mga Pinoy sa fencing, wushu, at gymnastics.

Nakasungkit ng medalya ang mga manlalarong sina Filipino-American Kaitlin de Guzman para sa gymnastics, Agatha Wong para sa wushu, at Brennan Wayne Louie para sa fencing.

Sa score na 12.875, nasungkit ni de Guzman ang panglimang gintong medalya matapos talunin si Tracie Ang mula sa Malaysia na may 12.550 points at si Rifda Irfanaluthi ng Indonesia na nakapagtala ng 12.075 points.

Matapos talunin ang mga manlalaro mula sa Brunei na si Basma Lachkar at Ho Lin Lin Ying mula sa Singapore, naipanalo ni Wong ang gintong medalya sa score na 9.66.

Habang naipanalo ni Louie ang gintong medalya laban sa kapwa Pinoy na si Nathaniel Perez sa score na 15-14.

Ang Pilipinas ay mayroon na ring walong silver medals at siyam na bronze.

TAGS: 2017 sea games, Gold, Gymnastics, philippines, wuhu, 2017 sea games, Gold, Gymnastics, philippines, wuhu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.