Hepe ng NPD sinibak sa pwesto ni Dela Rosa

By Den Macaranas August 22, 2017 - 05:03 PM

Inquirer photo

Sinibak na sa pwesto ni Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa si Northern Police District Director CSupt. Roberto Fajardo.

Ipinaliwanag ni Dela rosa na ito ay para hindi maka-impluwensiya ang nasabing opisyal sa gagawing imbestigasyon sa pagkakadawit ng ilang tauhan ng Caloocan City PNP sa pagkamatay ng 17-anyos na si Kian Delos Santos.

Nauna nang sinabi ni Dela Rosa na kanyang inatasan ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na gumawa ng kanilang imbestigasyon kaugnay sa pagkamatay ng nasabing biktima na nauna nang idinawit sa isyu ng illegal drugs.

Tiniyak rin ng opisyal na walang magaganap na whitewash sa gagawing imbestigasyon ng mga tauhan ng CIDG kahit na kabaro nila ang mga isinangsangkot sa pagkamatay ni Delos Santos.

Kagabi ay mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsabi na paparusahan ang mga tauhan ng pulisya kapag napatunayan na sadyang pinatay ng mga ito ang menor-de-edad na biktima sa Caloocan City./

TAGS: caloocan city, dela rosa, fajardo, kian delos santos, npd, PNP, caloocan city, dela rosa, fajardo, kian delos santos, npd, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.