DFA: Sigalot sa pagpasok ng mga barko ng China sa WPS tapos na

Inquirer photo

Ipinagmalaki Foreign Affairs Secretary Allan Peter Cayetano na naresolba na ang isyu kaugnay sa pagpasok ng mga barko ng China sa Pag-asa Island.

Sa ambush interview sa Kamara, sinabi ni Cayetano na wala ng problema sa nasabing usapin dahil natapos na ito sa pamamagitan ng diplomatikong paraan.

Sinabi ng kalihim na iniba lamang ng pamahalaan ang istratehiya sa pagresolba sa mga isyu ng panghihimasok ng China kasabay ng pagtiyak na hindi magsusuko ang bansa ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Tumanggi naman ang kalihim na magbigay ng detalye kagnay sa pagpasok ng mga barko ng China sa Pag-asa Island noong nakalipas na linggo.

Paliwanag pa ng chief diplomat, walang dapat ikaalarma ang bansa dahil hindi naman nangangahulugan na may paglabag agad ang China dito.

Read more...