Pacquiao-Horn rematch sa Pilipinas gaganapin ayon sa DOT

FB: Ricky Alegre

Kinumpirma ni Tourism Sec. Wanda Teo na sa bansa gaganapin ang rematch sa pagitan nina People’s Champ Manny Pacquiao at ng Australian boxer na si Jeff Horn.

Kanina ay personal na nakipagpulong si Teo kasama ang mga opisyal ng Department of Tourism kay 1-Pacquiao Partylist Rep. Eric Pineda na siyang ring tumatayong business manager ng Manny Pacquiao Productions.

Base sa inisyal na pag-uusap, posibleng sa Philippine Arena ganapin ang nasabing rematch sa buwan ng Disyembre.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni DOT Asec. Ricky Alegre na masusundan pa ang nasabing pagpupulong kasama ang kampo ni Horn.

Noong nakalipas na linggo ay nauna nang sinabi ni Top Rank Promotions Chief Executive Officer na sa Brisbane, Australia gaganapin ang Horn-Pacquiao rematch pero nanatiling tahimik dito ang kampo ng boxing-senator.

Read more...