Australian chief spy makikipagkita kay Duterte
Nakatakdang mag-courtesy call kay Pangulong Rodrigo Duterte si Australian Secret Intelligence Service Director General Nicolas Peter Warner.
Nagyong hapon sa Malacañang ang pagkikita nina Duterte at Warner ayon sa inilabas na media advisory.
Sa briefing sa Palasyo, sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na walang nakalatag na agenda o usapin sa pagdalaw ni Warner sa pangulo.
Matatandaan na naging kontrobersyal si Warner nang mabunyag ang ginawang pagpasok ng mga Australian Intel Agents sa gobyerno ng East Timor.
Naisakatuparan aniya ang pagpasok ng Australian spy sa East Timor sa pamamagitan ng AI Project ng Australia.
Sa kasalukuyan, isa ang Australia sa mga bansang umaayuda at nagbibigay ng technical support sa tropa ng pamahalaan na nakikipagbakbakan laban sa Maute terror group sa Marawi City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.