Eksaktong alas 8:25 ng umaga nang patunugin ang unang alarma sa Marcos bridge sa bahagi ng Barangay Barangka, Marikina City.
Ito ang hudyat ng alert level 1 dahil umabot na sa 16 metro ang antas ng tubig sa Marikina river kaya’t kailangan nang maghanda para lumikas ang mga nakatira malapit sa gilid ng ilog.
Samantala, dahil sa malamig na panahon dulot ng pag ulan, hindi narinig ng residente na si July Tanghal ang alarma dahil na rin sa pagkakahimbing sa pagtulog.
Maliban sa Toyota Lite Ace van ni Tanghal, nailikas ang lahat ng nakaparadang sasakyan mula sa parking area sa gilid ng Marikina river.
Tinalian na lang ni Tanghal na parang bangka ang kanyang sasakyan na lumubog na sa baha.
Bagama’t umaasa pa siya na mapapakinabangan pa ang kanyang sasakyan, tanggap na rin niya na tuluyan na itong mawawala sakaling tumaas pa ang tubig at lumakas ang agos.
Narito ang ulat ni Jan Escosio: