Krisis sa Marawi City, posibleng matapos na ngayong buwan
Posibleng matuldukan na ang nagpapatuloy na bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan ng Maute terror group sa Marawi City ngayong buwan.
Ayon kay Col. Romeo Brawner, deputy commander ng Joint Task Force Ranao, malaki ang tsansa na matatapos na ang krisis sa Marawi bago matapos ang Agosto.
Bagaman ginagawa ng mga sundalo ang lahat para tuluyang mapulbos ang Maute, wala naman aniya silang itinatakdang deadline kung kailan matatapos ito.
Ayon kay Brawner, ang mga natitirang miyembro ng Maute group sa Marawi ay nananatili sa mga mosque kung saan nasa apatnapu hanggang animnapu ang mga bihag.
Nauubusan na aniya ang Maute ng mga bala batay na rin sa pagtugon nila sa mga atake ng tropa.
Maging ang suplay aniya ng kanilang pagkain ay unti-unti na din nauubos.
Sinabi ni Brawner na aabot pa sa 400 na bahay at gusali na nasa loob ng conflict area ang kailangan i-clear ng militar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.