Paliwanag ni Duterte, maaaring lumikha lamang ng suspetsa kung bibisita siya sa burol ng menor-de-edad.
Isa aniya sa posibleng lumutang na haka-haka kung magtutungo siya sa burol ay para humingi ng tawad na magmistulang pag-amin na totoo ang krimen.
Ayaw din umano niyang magka-pressure o mataranta pa ang mga pulis at sa isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad.
Katwiran pa ni Duterte, dumalaw na raw sa burol ni delos Santos si Vice President Leni Robredo, at sana raw isinali na lang niya ang pangalan ng presidente dahil nasa gobyerno naman daw silang dalawa.
Sa kabila nito, tiniyak ni Duterte na kung lalabas na rub out ang nangyari kay Kian, tiyak aniyang pasok sa kulungan ang mga pulis na isinasangkot.