Pagkatay sa higit 200,000 manok na apektado ng birdflu sa Pampanga, tapos na
Natapos na ang culling process o pagpatay sa mahigit dalawang daang libong manok na apektado ng bird flu sa bayan ng San Luis, Pampanga.
Sa isang panayam, sinabi ni Mayor Venancio Macapagal na aabot 170,000 na manok, 21,000 na bibe at 16,000 na pugo mula sa 1 kilometer diameter quarantine zone ang nakatay na.
Una nang sinabi ng Department of Agriculture na kabuuang 600,000 na manok ang nakatakdang katayin sa buong lalawigan ng Pampanga.
Sunod na gagawin aniya ngayon ng D.A ay ang pag-disinfect sa mga apektadong farm, at makalipas ang dalawampu’t isang araw ay maglalagay ng sentinel birds sa lugar.
Sinabi ng D.A na sakaling walang magkasakit na sentinel birds sa loob ng siyamnapung araw, babawiin na ng ahensya ang quarantine restrictions.
Hanggang ngayon ay hindi pa nadedetermina ng mga otoridad ang pinagmulan ng bird flu outbreak na una nang naitala sa San Luis, Pampanga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.