Ilang barangay sa Quezon City, mawawalan ng suplay ng tubig

By Mark Makalalad August 22, 2017 - 11:48 AM

Pansamantalang mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang barangay sa Quezon City simula ngayong araw, August 22 hanggang bukas August 23 habang nagsasagawa ng “maintenance activities” ang Maynilad.

Sa inilabas na advisory, apektado ng water service interruption mamayang 11:30 ng gabi ang Barangay Bahay Toro at Barangay Sauyo (NIA Village)

Dahil dito, pinayuhan ng Maynilad na mag-imbak ng sapat na tubig ang mga residente ng naturang baranggay nang sa gayon ay makaiwas sa abala.

Inaasahan namang maibabalik sa normal ang water supply sa mga nabanggit na barangay bukas ng alas 4:00 ng umaga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.