Bagyong Isang, patuloy na palalakasin ang Habagat
Dumaan na sa Batanes ang bagyong Isang habang patuloy na bumabagtas sa direksyong pa-kanluran.
Sa latest weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 60 kilometers West Northwest ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang hangin na aabot sa 80 kilometers per hour at pagbugso na aabot naman sa 97 kilometers per hour.
Sinabi ng PAGASA na patuloy na palalakasin ng bagyong Isang ang southwest monsoon o hanging habagat kaya’t asahan na ang mahina hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Visayas at buong Luzon partikular na sa Cordillera Administrative Region (CAR).
Dahil dito, itinaas na ang Tropical Cyclone Warning Signal No. 2 sa Batanes Group of Islands Habang Signal No. 1 naman sa Northern Cagayan kabilang na Babuyan Group of Islands, Apayao, at Ilocos Norte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.