Buong US navy, tigil-operasyon muna pansamantala matapos ang aksidenteng kinasasangkutan ng kanilang warship

By Jay Dones August 22, 2017 - 04:22 AM

 

Photo by Petty Officer 3rd Class James Vazquez

Pansamantalang hinto muna ang operasyon ng lahat ng naval fleet at mga barko ng US Navy sa buong mundo.

Ito ang naging laman ng kautusan na inilabas ni US Navy Admiral John Richardson matapos na masangkot sa isa na namang banggaan ang isa nilang barkong pandigma.

Kasabay ng direktiba, inatasan ni Richardson ang lahat ng kanilang fleet commanders na pulungin ang kanilang mga pinuno upang hindi na maulit ang aksidenteng kinasangkutan ng USS John Mccain sa Malacca Strait sa karagatang sakop ng Singapore.

Dapat rin aniyang alamin ng mga ito kung may kinalaman sa operasyon sa kabuuan kung kaya’t nauulit ang naturang mga aksidente.

Maglulunsad na rin aniya ng imbestigasyon ang kanilang hanay upang matukoy kung bakit naganap ang naturang banggaan.

Sa naturang aksidente, nakabanggaan ng USS guided missile destroyer USS John Mccaine ang Alnic MC, isang oil tanker.

Hanggang sa ngayon, sampung crew ng US warship ang nawawala at patuloy na pinaghahanap.

Matatandaang noong June, nakabanggaan naman ng US navy warship na USS Fitzgerald, Philippine-flagged cargo ship sa karagatang sakop ng Japan, na ikinasawi ng pitong tripulante nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.