Duterte, dismayado sa hindi pagkakalusot ni Taguiwalo sa CA

By Kabie Aenlle August 22, 2017 - 04:04 AM

 

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte rin ay nadismaya sa hindi pag-reject ng Commission on Appointments (CA) sa ad interim appointment ni Prof. Judy Taguiwalo bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Gayunman, sa kabila ng pagkadismaya ay sinabi ng pangulo na wala naman na siyang magagawa tungkol dito.

Ayon sa pangulo, ito ay bahagi na ng trabaho ng Kongreso para sa check and balances ng gobyerno.

Nanghihinayang si Duterte lalo na’t aniya ay talagang matalino si Taguiwalo.

“Sayang, she was really bright,” ani Duterte.

Nang tanungin naman ang pangulo kung may napipisil na ba siyang pumalit kay Taguiwalo, nagbiro pa ito na inalok na niya ang posisyon sa reporter na si Doris Bigornia ngunit hindi aniya ito pumayag.

Hindi naman na nabanggit ni Duterte kung mayroon na siyang napili para sa posisyon, pero sinabi niyang ang nais niyang pumalit kay Taguiwalo ay isang taong umiiwas sa katiwalian at taos-pusong magtatrabaho sa DSWD.

Pansamantala ay itinalaga muna ng Malacañang bilang officer-in-charge sa kagawaran si Usec. Emmanuel Leyco.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.