Duterte, itinangging napasok na ng China ang teritoryo ng bansa

 

File photo (pag-asa island)

Itinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte na mistulang na-‘invade’ na o napasok na ng China ang teritoryo ng bansa nang madiskubre na may isa na namang isla itong binabantayan na malapit sa Pag-asa island sa South China Sea.

Una nang sinabi ni Senior Associate Justice Antonio Carpio na isa nang ‘invasion ng Philippine territory’ ang ginagawa ng China nang okupahan at puwestuhan nito ng mga barko ang Sandy Cay.

Ang Sandy Cay ay isang ‘sandbar’ na may layong 4.6 na kilometro lamang mula sa Pag-asa island na kontrolado ng Pilipinas.

Giit ni Pangulong Duterte, hindi maituturing na ‘invasion ang naturang hakbang.

Hindi naman aniya inaangkin ng China ang naturang lugar.

Gayunman, nang kanyang mapag-alaman aniya ang impormasyon, ay kaagad niyang tinawagan ang ambassador ng China na si Ambassador Zhao Jianhua.

Tiniyak aniya nito na walang istrukturang itinatayo ang China sa naturang lugar, paliwanag pa ng pangulo.

Read more...