Kinumpirma ng regional police na napatay ng mga pulis sa follow-up operation ang suspek na si Younes Abouyaaqoub sa bayan ng Subirats, na may 45 kilometro ang layo sa kanlurang bahagi ng Barcelona.
Naalarma umano ang ilang mga residente nang makita ang sasakyan ng suspek na tinatawid ang mga bukirin sa lugar.
Si Abouyaaqoub ang itinuturong driver ng van na umararo sa mga turista sa pamosong Las Ramblas promenade at sa coastal city ng Cambrils nitong nakalipas na Huwebes na ikinasawi ng 13 katao at ikinasugat ng mahigit 120 iba pa.
Kabilang sa nasawi ang isang Fil-British na nasa pitong taong gulang pa lamang.
Una nang sinaksak ng suspek ang driver ng van bago nito tinangay ang sasakyan upang sagasaaan ang kanyang mga biktima.
Diumano, may suot pa na explosive belt ang terorista nang mabaril at mapaslang ng mga otoridad.
Gayunman, sa imbestigasyon, lumitaw nap eke ang naturang explosive belt.