Sa ilalim ng House Bill 6220 ni Atienza, sa bansa pa lamang na panggagalingan ng mga kargamento ay aalamin na ang mga laman nito bago ibyahe sa bansa.
Sa ganitong paraan ayon sa mambabatas ay hindi na mauulit ang paglusot ng mga kontrabando at matitigil na rin ang korapsyon.
Para sa mambabatas, pabor sa lahat ang nasabing panukala dahil bukod sa tataas ang koleksyon ng gobyerno ay hindi na rin kailangang maglagay ng mga lehitimong importers sa mga tiwaling tauhan ng Bureau of Customs.
Ang hakbang ay kasunod ng paglusot ng P6.4B halaga ng shabu sa customs at ang pagkakabunyag ng tara system sa adwana.