Compulsory pre-shipment inspection itinutulak sa Kamara
Isinusulong ngayon sa Kamara ni House Deputy Minority Leader at Buhay Rep. Lito Atienza ang pagkakaroon ng compulsory ang pre-shipment inspection ng mga kargamento.
Sa ilalim ng House Bill 6220 ni Atienza, sa bansa pa lamang na panggagalingan ng mga kargamento ay aalamin na ang mga laman nito bago ibyahe sa bansa.
Sa ganitong paraan ayon sa mambabatas ay hindi na mauulit ang paglusot ng mga kontrabando at matitigil na rin ang korapsyon.
Para sa mambabatas, pabor sa lahat ang nasabing panukala dahil bukod sa tataas ang koleksyon ng gobyerno ay hindi na rin kailangang maglagay ng mga lehitimong importers sa mga tiwaling tauhan ng Bureau of Customs.
Ang hakbang ay kasunod ng paglusot ng P6.4B halaga ng shabu sa customs at ang pagkakabunyag ng tara system sa adwana.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.