“Tokhang” budget ng PNP dadaan sa pagbusisi ng Senado
Nagbanta si Senate President Pro Tempore Ralph Recto na dadaan sa mahigpit na pagbusisi ang hiling na P1 Billion budget ng Philippine National Police (PNP) na ginagamit nila sa war on drugs ng Duterte administration.
Paliwanag ni Recto, asahan din ng PNP sa pamumuno ni Chief PNP Ronald Bato dela Rosa na busisiin ng senado sa budget hearing ang pagkamatay ng Grade 11 student na si Kian Loyd de los Santos.
Giit ni Recto, dapat na isulong ang pagbusisi sa kaso ni Kian na siyang nagbigkis sa sambayanang Filipino para magkaisa sa pagsigaw ng galit at ng pagdadalamhati.
Dagdag pa ni Recto, maisasalba lamang ang pagluluksa ng mga Pinoy sa pamamagitan ng paglabas ng katotohanan.
Sa panukalang budget ng PNP para sa 2018, aabot sa P900 Million dito ay para sa implementasyon ng Oplan Double Barrel Reloaded.
Ani Recto, bago mag-reload at aprubahan ng mga mambabatas ang budget ng Oplan Double Barrel Reloaded ay dapat malaman ng mga mambabatas kung paano ang paraan ng pagpapatupad nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.