Pro-Duterte na piskal sa Caloocan City ipinasisibak ni Drilon
Dapat umanong sibakin sa puwesto ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre ang Caloocan City Prosecutor na si Darwin Cañete dahil sa bias na pahayag nito laban sa kaso ng napatay na si Kian Loyd de los Santos
Paliwanag ni Drilon, base sa naging post ni Prosecutor Cañete sa kanyang social media account, mistula umanong nag-aabogado ito sa pagtatanggol sa mga pulis Caloocan na nakapatay kay Kian.
Giit ni Drilon, nakakabahala umano ang pagiging pagpanig kaagad-agad ni Prosecutor Cañete sa mga pulis Caloocan at hindi umano ito dapat na tinotolerate o pinapayagan ni Aguirre dahil nakataya dito ang maayos at patas na administration of justice.
Maliban dito, kilala ding supporter sa war on drugs at ni Pangulong Duterte si Cañete kung kaya malabo umano itong mapagkatiwalaan na tutuparin ang naatasang tungkulin bilang prosecutor o piskal na walang kinikilingan at walang pinapanigan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.