Kaso ng pagpatay kay Kian Delos Santos iimbestigahan ng CIDG

Photo: Radyo Inquirer

Papasok na ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa imbestigasyon kaugnay sa binatilyong napaslang sa Oplan Galugad sa Caloocan City.

Ayon kay Philippine National Police Spokesperson Dionardo Carlos, inatasan na ni PNP Chief Ronald dela Rosa ang CIDG na alamin ang tunay na nangyari sa likod ng pagkakapaslang sa 17 anytos at Grade 11 student na si Kian delos Santos.

Paliwanag nya, tutuon daw ang imbestigasyon ng CIDG sa mga “surrounding circumstances” sa pagkamatay ng binatilyo.

Base kasi sa intelligence report ng PNP sa Caloocan City ay lumalabas na si Kian ang ginagawang drug courier ng kanyang tatay na si Zaldy delos Santos at tiyuhin nitong si Randy.

Pero malinaw na taliwas daw ito sa pahayag ng mga testigo na hindi drug runner si Kian.

Anya, titignan nila ang lahat ng anggulo sa kaso at kanilang bubusisiin ang mga CCTV footages kung saan kinakaldkad ng dalawang pulis na nakasibilyan si Kian.

Samantala, sinabi naman ni Carlos na habang patuloy na mananatili sa restrictive custody ng National Capital Region Police Office ang apat na na miyembro ng Caloocan City PNP na kasama sa mga nakapatay sa biktima.

Read more...