Rally para kay Kian Delos Santos “oks” sa Malacañang
Nirerespeto ng Malakanyang ang mga ikinakasang rally para sa 17-anyos na si Kian delos Santos na napaslang sa anti-drug operations sa Caloocan City kamakailan.
Sa isang statement, sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na ang rally para kay Kian ay bahagi ng karapatan ng mga mamamayan upang maihayag ang kani-kanilang pananaw at mailabas ang hinaing.
Paalala ni Abella, noon ay nabanggit na ni Pangulong Rodrigo Duterte na hahayaan niya ang pagdaraos ng mga mass protest, basta’t hindi ito magdudulot ng public inconvience o abala at hindi makukumpromiso ang kaligtasan ng mga tao.
Sa kabila nito, umapela si Abella sa mga sasali sa protesta na tumalima pa rin sa mga pulis na inaasahang magpapatupad ng maximum tolerance sa pagtitipon.
Mamayang alas-sais ng gabi, idaraos ang “Tama Na! Protesta laban sa patayan” sa People Power Monument sa Quezon City.
Pangungunahan naman ng Bagong Alyansa Makabayan o BAYAN ang “Walk for Justice” na layong papanagutin ang responsable sa pagkamatay ni delos Santos at iba pang sangkot extrajudical killings.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.