Kian Delos Santos tatlong beses binaril sa ulo ayon sa PAO

By Den Macaranas August 21, 2017 - 03:41 PM

Inquirer photo

Tatlong tama ng mga bala sa ulo ang ikinamatay ng 17-anyos na si Kian Delos Santos ayon sa resulta ng otopsiyang ginawa ng forensic experts mula sa Public Attorney’s Office (PAO).

Sa autopsy na ginawa kaninang umaga sa mga labi ng biktima, sinabi ni Dr. Erwin Erfe namatay si Delos Santos dahil sa mga tama ng bala sa likurang bahagi ng kanyang ulo sa likod ng kanyang kaliwa at kanang tenga.

Ang otopsiya ay ginawa base na rin sa kahilingan ng mga magulang ng biktima sa PAO.

Lumilitaw rin sa ginawang pag-aaral sa mga labi ng biktima na ito ay binarily ng malapitan.

Samantala, sinabi ni PAO Chief Percida Rueda Acosta na inihahanda na nila ang mga kasong isasampa laban sa mga tauhan ng Caloocan City PNP na nagsagawa ng Oplan Galugad sa Brgy. 160 kung saan napatay si Delos Santos makaraan umanong manlaban sa mga pulis.

Nauna nang sinabi ng mga magulang ng biktima na kakasuhan nila ang mga tauhan ng PNP na nasa likod ng pagpatay sa kanilang anak.

TAGS: acosta, caloocan, kian delos santos, Murder, PAO, PNP, acosta, caloocan, kian delos santos, Murder, PAO, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.